Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2018

Tula: Si Lumad Nasaan?

Imahe
Sinubukan kong namnamin, Di ko Lang seguro napansin Kahit makailan pang ulitin Sadyang ang agenda ng mga Lumad mahirap banggitin. Sa pag-ulat sa ikatlong pagkakataon Mas makinang ang brasuhan sa posisyon Mas makinang ang interes ng Korporasyon Tiyak dadanak ang dugo at di na kailangan ng kabaong. May mga hindi imbitadong bisita sa tahanan Doon sa lupaing yaman na minana Magpupumilit na papasok kahit umayaw na Paluluhurin kung ayaw makisama nang kusa Magdurugo at matagal nang nagdurugong puso Ang Lupaing tinamnan ng mga pangarap nagdurugo Ngunit hinding hindi pagugupo, hindi pagugupo Tulad ng mga nauna na, ang mga ninuno Sapilitan mang palikasin at tabunan ang hinaing Tulad ng mga damo sa malawak na lupain Sisibol at makikibakang matatag, pakikibakaý liliyab Isusulong ang karapatan sa lupa at mabuhay na sinisiil! Layout ng poster:  Joel Pablo Salud July 23, 2018

Tula: Noon at Karon

Imahe
Noon at ngayon Samot ka Mahal palaliton Noon at ngayon Gaaginod ang suhulan intawon. Noon at ngayon Mopakpak kay naay gipatay. Noon at ngayon Protektor, kurakot septe kanunay. Noon at ngayon Kay kabus ka man ikaw tapulan Noon at ngayon Halikan na puwet ng poon nyo, wag na magreklamo! salamat sa tag-iya sa hulagway. July 23, 2018

Kanta: IKAW ANG AKONG FOREVER

Imahe
Ikaw ang Akong Forever Wala koy labot sa mga bitter click for the link:  Ikaw ang Akong Forever

Tula: Mananatili Ka

Imahe
Ang init ng iyong yakap na mahigpit Kapalit ngayon ay katawang malamig  Mata mong dati'y nakikitaan ng ngiti at galit Ngayon mananatili nang nakapikit Hahanapin hele mong malambing Pakiramadam dinuduyan sa hangin Pawis at sikap mo para may makain Tila mundo ay gumuho nang ika'y paslangin Mga bilin mo at mga paalala Paminsang Kakulitan at pagpapatawa Sa puso at isipan di kailanman mabubura Sa biglaan mong paglisan labis aming pangungulila Madaling sabihing makasalanan ka Madaling bintangan na sangkot ka Ngunit Sino sila para humusgang may sala Inudyokang pamamaslang ngayon ika'y bangkay na July 5, 2018 Zamboanga del Sur

KANTA: NAGDURUGO

Imahe
Block Marcos protest against EJKs and anti-drug killing "Silang Di na Makadalo". pic:JB Sabi mo Aalagaan mo ako Sabi mo Laging 'pagtatanggol mo Sabi mo Sabi mo Sabi mo Doon tayo sa paraiso Sabi mo Laging 'ligaya tayo Sabi mo Sabi mo Nagdurugo Ang puso ngayon ay Nagdurugo Bigo ang pangako Nagdurugo Ang pusong bigo Sabi mo Paroon sa pagbabago Sabi mo Mahagala lahat tayo Sabi mo Sabi mo Sabi mo May Ako, ikaw at tayo Sabi mo Tapat ka sa pangako Sabi mo Sabi mo Nagdurugo Ang puso ngayon ay Nagdurugo Bigo ang pangako Nagdurugo Ang pusong bigo Bigong bigo Walang paraiso Walang pagbabago Di tapat sa pangako Puro na lang dugo Bigong Bigo nagdurugo Bigong bigo Walang paraiso Walang pagbabago Di tapat sa pangako Puro na lang dugo Bigong Bigo nagdurugo D/G cycle Davao Del Sur July 4, 2018 # bigongbigo # nagdurugo FOLLOW THE LINK:  NAGDURUGO

TULA: Kumusta Na?

Imahe
Kumusta ka Endo?  Mahal ang presyo  Walang trabaho May abuloy ang gobyerno Kumusta ang droga?  Ligtas na mga padrino Inabot ng swerte Padrinong supermajority Tinutulak na ChaCha  Para daw pumayapa Dayuhang kapitalista Aani ng biyaya Hain ay Pederalismo  Ito daw ang pagbabago Sa lakas ng dinastiya Talo si Jose at Maria  Suriin kaibigan Usaping panlipunan Nang di mabulagan Kumakalam ang tiyan 27 June 2018 Central Mindanao

Tula: Pagbabago

Imahe
Pagbabago. Di mo na nakikita ang mga adik sa kanto Wala na ring mga rapist at hayok na demonyo Nawala na sila sa mga maralitang komunidad na karamihang tinumba't inaresto Pagbabago. Dahil ang mga pusakal at kriminal ay nagsipaghinto Wala na ang talamak na droga at negosyo Wala na, wala! Pagbabago Na ang adik sa kapangyarihan ay tumatatag at tumitibay sa pwesto Na ang rapist, manyakis at hayok sa laman ay ang nasa pwesto mismo Na ang mga kasosyo't protektor sa bawal na droga ay hinahunting pa rin ni Cardo Ibig sabihin nito ay namamayagpag pa rin ang lokohan at paasa sa pagbabago Isusumbat sa mga tao kung kaya lumaganap ito Kesyo dahil ganito, dahil ganyan at dahil nga ito'y ginusto Tinumba, inaresto ang karaniwang kriminal o pang-promosyong kapital Ang mga hayok sa kapangyarihan at kayamanan ay masayang namamayagpag at protektado ni brod at kapatid  Nangulimbat na at nagnakaw, di pa rin matanggal dahil WOW! Ang loding libugin na kung sa...

Tula: Pagmamahalan, Yayabong, Lalaya

Imahe
nagkikita na lang ng minsan di na kadalasan dahil di pwedeng iwanan gawain na tayoý naatasan nahihiya tuloy sa sumpaan na wala tayong iwanan ngunit sadyang may humahadlang pilit tayong pinipigilan kalagayang nanghahamon sitwasyong di na tulad noon mga gawain at tungkulin kinakailngan nating tupdin dahil dito umusbong pagmamahalan kahit pa nasa magkaibang larangan noon kahit na minsang sulyapan ay parati namang katagpuan dahil magkasama sa DG at ED kahit papaanoý nagkikita lagi at sa pakipamuhay sa kabayanan yumabong ang pag-iibigan ngayon ay nakaw-oras kalagayaý marahas malayo man ay ugnay pa rin sa ating kapwa hangarin sa bawat tungkuli't gawain ikaw at ako kasama ang masa lalaya aking sinta --- hango sa mga kwento nilang mga magsing-irog na sa pagsubok di sumuko sa mga hamon di nagpagupo

TULA: Tumataas, Nagmamahal

Imahe
Hindi ang oras ng pagsasama, hindi ang ating kulitan hindi ang ating samahan, hindi ang ating lambingan dahil di naman natin magawang gumala tanging sa pangarap na lang muna dahil di naman kita mailibre dahil di pa sinwerte dahil di kita maisamang manood ng sine dahil kahit ang huminga malapit nang may bayad paano nga naman kaya pag-iibigan umunlad Kung ang mabuhay ay ang mahal ngunit ang buhay ay di nagtatagal kahit mamili ka ng tahak na landas kung ang mamuhay naman presyoý kay taas nagmamahal, tumataas itong mga presyo ng bilihin, pati na ang buwis at mga bayarin pamasahe sa de-gulong, de-kuryente at paglipad sa hangin  tubig, kuryente, langis at bigas, hindi ang buhay na patas hindi ang sahod at benepisyo, isinapribado ang mga serbisyo lumaganap ang kapitalismo, lahat pinagkakakitaan ginawang negosyo naghari kalakarang neoliberal, ipinapatupad ng mga hangal tumataas ang presyon ng dugo, nagmamahal libingan sa sementeryo tatamis man...

Poem: Marawi Siege year after

Imahe
One year after Horror of experiences flashed back Casualties are remembered Heroisms are honored Important to note The inter-faith survival stories in the ground As days passed by In the lives of survivors Neglect and discrimination Less representation Lack of spaces for participation How comprehensive is the rehabilitation? In the tent cities In the temporary shelters Under the roof of relatives Or judgemental communities It is much more difficult Than of what the PR people's reports Horrors of the past Horrors of the present Not just digging the unexploded arsenals But the lives and dignity's fundamentals #DuyogMarawi #IDPsKasali #BangonMarawi

Tula: MAY PAG-ASA BUKAS

Imahe
Kahit na iyan na ang sabi'y nakasanayan Sa iba'y ito na ang patakaran Isang lokohan at gaguhan Tinatarantado ang karapatan Na bawat isa'y kayang presyohan Dignidad ay dinudungisan Sa dami pang natirang tulad mo Sa mga tulad mong mahalaga ang pagkatao Hindi lang nangangarap kundi kumikilos At hinding-hindi magpapagapos May pag-asa pa ang kinabukasan Dahil may isang ikaw na di kayang bayaran Nakasanayan na ang gapangan May kalakaran pang takutan Humantong pa ang iba sa patayan Nabasag dating pagkakaibigan May pag-asa pa rin ang kinabukasan Dahil may isang ikaw na di kayang bayaran Hindi naman baka sakaling lakbay Ikaw lang naman ay naniniwalang tunay Na madami ang tulad at kagaya mo Na mahalaga ang turing sa bawat boto May pag-asa pa rin ang kinabukasan Dahil may mga tulad mong di kayang bayaran Ang tulang ito ay para sa iyo Para din sa kanilang tulad mo Hindi naman talaga sa halalan lang Maabot pagbabagong in...

Reflections: Engaging Men and Boys

Imahe
Providing a platform for men and boys to understand gender issues and gender oppression is an opportunity to recruit them to be advocates.  We cannot do it in two to three days. It is a process. But for the men and boys opening up their emotions and perceptions, accepting their misdeeds to women and girls and that they can be an ally and partners of all gender in dismantling the dominant masculine system are already doors and windows for invitations in the advocacy... There's always a room that we can found... "I am a tree that can provide a shadow for others and can lean a hand to those in need.." said one of the participants. "Ako usa ka humay nga sama sa pagkaon mohatag ug kinabuhi sa katawhan ug komunidad taliwala sa among sitwasyon nga duna pay pakigbisog sa yuta," ingon pud sa usa pa. "I dream of a society that justice and equality exist," said one boy participant in our visioning session. Let us see, for social transform...

Visuals: Defend the Seeds

Imahe
Peace is what we build . Safe and Healthy Food is what we need. Defend the Seeds!

TULA: Tayang Sayang

Imahe
Sa dami ng umasa Bansa ay may pag-asa Milyones tumaya't pumusta Magkakatotoo pangarap nila Pero nagkatotoo aking hinala Tulad din ng mga nauna Sasaktan mo rin mga puso nila Masasayang kanilang pagtaya #changeNOTchain

TULA: Ano ang bago?

Imahe
Kung ang una, pangalawa at pangatlo Ipinangako nito ay purong bigo Ano pa ba ang aasahan mong magkatotoo? O sadyang manhid ka na at nagpapaloko Kontra-droga, kontra-kurapsyon at endo Ngayon ang sabi ay repormang agraryo Kung sa kapitalista ay lumuhod, yumuko Ano bang pagbabago ang inihahain nito? #changeNOTchainPh

TULA: SIPDM 2018

Imahe
Kung sa iyo man ay wala nang makinig Huwag kang tumiklop at manlamig Tuloy lang sa mga pagpapahiwatig Kahit papano mayron silang naririnig Tulad ng iba din ay ibig  Tulad ng munti mo tinig Hindi kusang dumarating ang ating nais Kailangan kasama ang lahat sa paghugis  #SIPDM2018

Tula: Alpas sa dikta ng lipunan

Imahe
Ako ay puno Bibigay lilim sa mga tao Ako ay palay Pagkaing buhay ang bigay Ako ay tubig Mithi na purong malamig Ako ay pansakang alaga Maglilingkod tuwi-tuwina Mga binitawang kataga Nang sila isa-isang magpakilala Mga lalaking magkaiba ang gulang Magkaiba ang pinanggalingan Tinanggap na may mga kamalian Umamin sa mga pagkukulang Sa dulo ng pag-uusap at kwentuhan Magkukusang umalpas sa dikta ng lipunan Participants of the Gender Studies for Men Mancao IFarm, Simpak, Lala, Lanao del Norte April 21-22, 2018 #GSM #EngageMen

Tula: Bakit ka nga ba andyan kung wala kang pinagmulan?

Imahe
Bakit ka nga ba andyan kung wala kang pinagmulan? Sikat na sikat kasi may pangalan Kilalang tao na sa mga samahan Magaling na nga kung sa kaalaman lang ang usapan Iba ang dating dahil magaling ang pinagmulan Lumawak pang lalo ang kakayaha't kamulatan Dami ka na  kasing pagsasanay na dinaluhan Hoy, ikaw! Oo ikaw yun! Ikaw nga! Sino pa nga ba? May iba pa ba? Di ba ikaw naman yon? Ang sumikat at naging kilala ngayon Dahil ikaw ay kasama nila noon? Saan na sila ngayon? Silang kasama noon? Bakit ka nga ba andyan kung wala kang pinagmulan? Silang buong buong ikaw ay piangkatiwalaan Silang nagsasama pa rin at umaasang may pag-asa Silang napabayaan mo dahil sikat ka na Silang pinagmulan mo kung saan ka ngayon napunta.

TULA: SALAMAT SA INYO

Imahe
SALAMAT SA INYO Salamat nang buo Sa inyong mga nagbabasa Sa mga nagbaling ng puso at mata Na kahit di kakilala ay natuwa Sa aking mga sulat at inakda Maaring nalungkot, nagalit o tumawa Maaring umiyak, sumigasig o lumamya Basta kung anuman ang bunga Maraming Salamat pa rin Sa pagbaling ng tingin Mga isinulat nawang tulad ng sa akin Patuloy ninyong tangkiliki't basahin Hindi bihasa at hindi magaling Inihayag at inilathalang damdamin Patuloy ninyong tangkiliki't basahin Iligan City 4-12-2018 12.18

Because I Love You

Imahe
Because I Love You One by one Or by hundreds Even by thousands Displaced from ancestral lands Harassed or murdered To neutralize those who dared To silent those who resist Sowed fear to the rest Can you still turn blind eye? Who's next to die? Started to hate numbers Can't stand with growing murders Who should speak? Who should stand? Until when we sleep with regrets? When will you stand on your feet?

Habang Kailan?

Imahe
Habang karamihan ay masaya dahil sila'y nagsipagtapos ikaw naman ay malungkot dahil tapos na rin kayo. Kung sila ay nag moving up, sana ikaw din ay mag moving on na. Sa assignment may tulungan, sa pag-ibig ingat lang dahil minsan ang puso ng iba ang kinagigiliwan. Sila graduate na, ikaw kailan ka kaya ga-graduate sa kakahintay sa kanya? Hayan, may time table sa pag-aaral at pangarap. Ang pagwawakas kaya sa Endo at Kahirapan, kailan? Hingi at hiling ka ng pasado o di kaya mataas na grado, si teacher kaya kailan tataas ang sweldo? Sa halalan magandang serbisyo gusto mo,  kailan din kaya gaganda ang serbisyo mo sa mga guro? Lanao del Sur April 4, 2018

Mga Kuwento'y Ilahad

Imahe
Kabataang Lumad, Huwag pabayaang malimot na lang Huwag hayaang anurin ng kasaysayan Huwag hayaang tabunan ng panahon Pangumbabawan ang marahas na alon Ituloy ang kwento, huwag huminto Huwag pumiyok, huwag pagupo Kwento nilang nauna, ituloy pa Lipunan, buhay, kultura, pakikibaka Ilahad ang kwento sa madla Komprontahin lipunang mapanghusga Kapag gusto maraming paraan Ikuwento ang buhay, kultura at ipinaglalaban! NCR Marso 18, 2018

Stranded

Imahe
The sorrounding was freezing Buses stopped running And we were there Yes, right there Jumping, shaking and dancing The sorrounding was freezing And the buses stopped running In that below negative evening 2-3-18 Cold Place

Where is the love?

Imahe
Where is the love? That true essence of such. The real meaning. Compassion. Can't blame you.  But I knew you are more than that.  Look and think beyond what you read, see and hear. Can't agree that the authorities are always right in their decisions.  Being popular does not mean they can do all they wish for the rest of the populations.  Impositions of their will over the mass population can only succeed if the mass population turned blind and passive.  Then, they will be buried to the deep mental slavery. It is of course important to listen to all sides before making decisions.  But more important to have informed decisions is to critically look at things from an independent and dialectical process.  Do not rely from what you've seen, read and heard. Analyze!  Don't limit your thinking capacity human!  You are more than that. It's all the same killing.  They may differ on the degree and motiv...

SAAD - Mubong Sugilanon

Imahe
Fifteen years na nga uyab si Belen ug Berto. Ug sa kadugayon, nagkasinabot na ang duha nga mananghid na sa ilang mga ginikanan nga magminyo. Ug tood man, si Berto nangandam na aron himamaton ug pangayoon ang pagtugot sa ginikanan ni Belen. Tungod sa kalisod ug pagpaningkamot napadpad si Belen sa dakbayan gikan sa ilang dapit unahan sa Banagon. Dili na unta gusto ni Belen nga moadto pa si Berto sa ilaha kay layo kini. Ang iya na lang mga ginikanan ang palugsungon. Apan midumili si Berto, "buot naku pamatud-an sa imong ginikanan nga kining akong gugma nimo dili moila ug layo, lapok ug lisod nga agianan.." matud pa. "Busa mosubida ta didto sa inyo karong Sabado dayon," sumpay sa lalaki nga daw pagtak-op na sa ilang istorya. Wala nay nahimo pa si Belen. Pilay dagan sa oras ug adlaw, miabot na ang adlawng Sabado (huwebes man ta karon pagsulat ani). Sayong mibyahe ang managtrato ug daw gisilihan sa ka-excited si Berto nga mahimamat na gyud sa katapusan ang mga g...

Mubo nga Sugilanon: BEST FRIENDS IN LOVE

Imahe
Suod nga managhigala si Leah ug Andrew. Dugay silang silingan ug dungan kining nagdaku sa ilang lugar. Classmate sila gikan elementary ug high school. Dungan moadto sa tunghaan ug hangtud sa pagpamauli. Sa dihang graduating na sila sa high school dunay nabantayan si Leah kang Andrew. Daw nagselos kini sa panahong makig-uban ang dalaga sa laing mga classmate nga laki. Si Andrew usab wala kasabot sa iyang gibati. Dugay na niining gitago ang gibati niyang kaibog sa dalaga. Ug tungod lagi kay nagsaaray ang duha nga managhigala ra gyud sila ug mag-isipay nga managsoon, nabutang karon sa alanganin ang pagbati sa ulitawo ngadto sa dalaga. Sa hilom malipayon nga gibati ni Andrew ang kalipay panahon nga dungan silang moadto sa eskwelahan ug mopauli. Usa ka higayon niana panahon sa ilang Valentines Ball, wala na gyud mapugngi sa ulitawo ang iyang gibati. Sekretong nagdala ang ulitawo ug bulak ug gitunol kini niya sa dalaga ug dayong padayag sa gibati. “Pasayloa ko Leah, apan...

Tula: Init at Lamig

Imahe
Di maipaliwanag Biglang nagliwanag Unti-unting naaninag Damdamiy di maihayag Kumislap mga tala Mapupungay mong mga mata Ang matamis mong ngiti Kislap ng hugis puso mong labi Nakatitig lang sa iyo Parang nabuhusan ng yelo Nanginig hindi kinilig Nangini at hindi kinilig Kinausap mo at kinaibigan Tamimi at kinabahan Nais na sanang matunaw na lang Malamig may pinawisan Hanggang sa nasanay nang ika'y andyan Kasama, kalakbay at kakwentuhan Pakiwari nga ay tayo na Iyon ang buong-buo na akala Di nagtagal parang ayaw nang ika'y mawala Ikaw na lang gustong laging makita Mula paggising, pag-idlip at pagtulog Ang iyong halakhak ay musika sa isip ko na tugtog Iyong mga ngiti ang hele Sa panaginip ko ikaw ang katabi Iyong mga tawa ang pantahan sa kalooban Ayaw nang sa iyo pay malayo kailan man Pakiramdam ay ikaw na Ang inantay na itinadhana Ang aalayan ng mga pagsisikap Ang hugot-lakas ng mga pangarap Katuwang sa saya at hi...