Tula: Si Lumad Nasaan?



Sinubukan kong namnamin,
Di ko Lang seguro napansin
Kahit makailan pang ulitin
Sadyang ang agenda ng mga Lumad mahirap banggitin.

Sa pag-ulat sa ikatlong pagkakataon
Mas makinang ang brasuhan sa posisyon
Mas makinang ang interes ng Korporasyon
Tiyak dadanak ang dugo at di na kailangan ng kabaong.

May mga hindi imbitadong bisita sa tahanan
Doon sa lupaing yaman na minana
Magpupumilit na papasok kahit umayaw na
Paluluhurin kung ayaw makisama nang kusa

Magdurugo at matagal nang nagdurugong puso
Ang Lupaing tinamnan ng mga pangarap nagdurugo
Ngunit hinding hindi pagugupo, hindi pagugupo
Tulad ng mga nauna na, ang mga ninuno

Sapilitan mang palikasin at tabunan ang hinaing
Tulad ng mga damo sa malawak na lupain
Sisibol at makikibakang matatag, pakikibakaĆ½ liliyab
Isusulong ang karapatan sa lupa at mabuhay na sinisiil!


Layout ng poster: Joel Pablo Salud
July 23, 2018

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

TULA: Tumataas, Nagmamahal

Tula: MAY PAG-ASA BUKAS