Tula: Mananatili Ka
Ang init ng iyong yakap na mahigpit
Kapalit ngayon ay katawang malamig
Mata mong dati'y nakikitaan ng ngiti at galit
Ngayon mananatili nang nakapikit
Hahanapin hele mong malambing
Pakiramadam dinuduyan sa hangin
Pawis at sikap mo para may makain
Tila mundo ay gumuho nang ika'y paslangin
Mga bilin mo at mga paalala
Paminsang Kakulitan at pagpapatawa
Sa puso at isipan di kailanman mabubura
Sa biglaan mong paglisan labis aming pangungulila
Madaling sabihing makasalanan ka
Madaling bintangan na sangkot ka
Ngunit Sino sila para humusgang may sala
Inudyokang pamamaslang ngayon ika'y bangkay na
July 5, 2018
Zamboanga del Sur
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento