Habang Kailan?

Habang karamihan ay masaya dahil sila'y nagsipagtapos ikaw naman ay malungkot dahil tapos na rin kayo.

Kung sila ay nag moving up, sana ikaw din ay mag moving on na.

Sa assignment may tulungan, sa pag-ibig ingat lang dahil minsan ang puso ng iba ang kinagigiliwan.

Sila graduate na, ikaw kailan ka kaya ga-graduate sa kakahintay sa kanya?

Hayan, may time table sa pag-aaral at pangarap. Ang pagwawakas kaya sa Endo at Kahirapan, kailan?

Hingi at hiling ka ng pasado o di kaya mataas na grado, si teacher kaya kailan tataas ang sweldo?

Sa halalan magandang serbisyo gusto mo,  kailan din kaya gaganda ang serbisyo mo sa mga guro?

Lanao del Sur
April 4, 2018

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

TULA: Tumataas, Nagmamahal

Tula: Si Lumad Nasaan?

Tula: MAY PAG-ASA BUKAS