Tula: Alpas sa dikta ng lipunan

Ako ay puno
Bibigay lilim sa mga tao
Ako ay palay
Pagkaing buhay ang bigay
Ako ay tubig
Mithi na purong malamig
Ako ay pansakang alaga
Maglilingkod tuwi-tuwina

Mga binitawang kataga
Nang sila isa-isang magpakilala
Mga lalaking magkaiba ang gulang
Magkaiba ang pinanggalingan
Tinanggap na may mga kamalian
Umamin sa mga pagkukulang
Sa dulo ng pag-uusap at kwentuhan
Magkukusang umalpas sa dikta ng lipunan
Participants of the Gender Studies for Men
Mancao IFarm, Simpak, Lala, Lanao del Norte
April 21-22, 2018

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

TULA: Tumataas, Nagmamahal

Tula: Si Lumad Nasaan?

Tula: MAY PAG-ASA BUKAS