TULA: SALAMAT SA INYO
SALAMAT SA INYO
Salamat nang buo
Sa inyong mga nagbabasa
Sa mga nagbaling ng puso at mata
Na kahit di kakilala ay natuwa
Sa aking mga sulat at inakda
Maaring nalungkot, nagalit o tumawa
Maaring umiyak, sumigasig o lumamya
Basta kung anuman ang bunga
Maraming Salamat pa rin
Sa pagbaling ng tingin
Mga isinulat nawang tulad ng sa akin
Patuloy ninyong tangkiliki't basahin
Hindi bihasa at hindi magaling
Inihayag at inilathalang damdamin
Patuloy ninyong tangkiliki't basahin
Iligan City
4-12-2018
12.18
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento