Tula: Bakit ka nga ba andyan kung wala kang pinagmulan?
Bakit ka nga ba andyan kung wala kang pinagmulan?
Sikat na sikat kasi may pangalan
Kilalang tao na sa mga samahan
Magaling na nga kung sa kaalaman lang ang usapan
Iba ang dating dahil magaling ang pinagmulan
Lumawak pang lalo ang kakayaha't kamulatan
Dami ka na kasing pagsasanay na dinaluhan
Hoy, ikaw! Oo ikaw yun! Ikaw nga!
Sino pa nga ba? May iba pa ba?
Di ba ikaw naman yon?
Ang sumikat at naging kilala ngayon
Dahil ikaw ay kasama nila noon?
Saan na sila ngayon? Silang kasama noon?
Bakit ka nga ba andyan kung wala kang pinagmulan?
Silang buong buong ikaw ay piangkatiwalaan
Silang nagsasama pa rin at umaasang may pag-asa
Silang napabayaan mo dahil sikat ka na
Silang pinagmulan mo kung saan ka ngayon napunta.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento