Tula: Init at Lamig


Di maipaliwanag
Biglang nagliwanag
Unti-unting naaninag
Damdamiy di maihayag
Kumislap mga tala
Mapupungay mong mga mata
Ang matamis mong ngiti
Kislap ng hugis puso mong labi
Nakatitig lang sa iyo
Parang nabuhusan ng yelo
Nanginig hindi kinilig
Nangini at hindi kinilig
Kinausap mo at kinaibigan
Tamimi at kinabahan
Nais na sanang matunaw na lang
Malamig may pinawisan
Hanggang sa nasanay nang ika'y andyan
Kasama, kalakbay at kakwentuhan
Pakiwari nga ay tayo na
Iyon ang buong-buo na akala
Di nagtagal parang ayaw nang ika'y mawala
Ikaw na lang gustong laging makita
Mula paggising, pag-idlip at pagtulog
Ang iyong halakhak ay musika sa isip ko na tugtog
Iyong mga ngiti ang hele
Sa panaginip ko ikaw ang katabi
Iyong mga tawa ang pantahan sa kalooban
Ayaw nang sa iyo pay malayo kailan man
Pakiramdam ay ikaw na
Ang inantay na itinadhana
Ang aalayan ng mga pagsisikap
Ang hugot-lakas ng mga pangarap
Katuwang sa saya at hirap
Ang saya-saya mong kausap
At alam naman yatang iyo ding batid
Kahit di pa naihayag ang pag-ibig
Text, tawag, skype, fb at sa IG
Minu-minuto ibig ikaw lage katabi
Nangungusap mong mga mata
Ang lambing sa taengang mga tawa
Walang puwang ang mga problema
Kahit pa ang Sendong, Pablo at Yolanda
Di kinaya ang galak at tuwang dama
Oh irog at sinisintang mahal
Sandali na lang at ipagtatapat na
Bibigkasin ang mga sulat na tula
Ihahayag ang mga awit ng pag-ibig
Will be speaking the unspoken words
Di na kakalog itong mga tuhod
Isang araw nagyaya ka
Tagpong tayo lang dalawa
Dumating ako at namangha
Dalawang bangko sa isang mesa
Tabing dagat at may mga kumakanta
Sa mesa'y nakapatong kandila
Romantiko ang tema sa gabing malamig
Kinabahan uli ang dama ng dibdib
Sinalubong mo at hinawakan sa kamay
Kung katapusan man ito'y hwag sanang mamatay
Nais munang namnamin bawat segundo
Natanong sa sarili baka ito na yon
Ang pagtatagpo ng mga intensyon
Ang paghahayag ng mga damdamin
Ang pinakahihintay na pag-amin
Nagsimula kang magkwento
Natuwa namang nakatitig sayo
Tumatalon itong puso
Musika ang hampas ng alon sa mga bato
Sa gitna ng kulitan at kwentuhan
Sa gitna ng masayang usapan
Bumuntong hininga ka at nakiusap
Seryoso muna may ipagtatapat
Muling kinabahan at nananabik
Biglang pinawisan kahit malamig
Muntik nang mahulog sa bangko
Parang bumagsak ang mundo
Nais nang makipagbasagan ng ulo
Nasaksak at nabaril sa sentido
Nagpapaalam kat ikakasal na sa irog mo.

Init at Lamig
Feb 4, 2018
Lanao del Sur

Salamat sa may-ari ng larawan.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

TULA: Tumataas, Nagmamahal

Tula: Si Lumad Nasaan?

Tula: MAY PAG-ASA BUKAS