Tula: Pagmamahalan, Yayabong, Lalaya

nagkikita na lang ng minsan
di na kadalasan
dahil di pwedeng iwanan
gawain na tayoý naatasan
nahihiya tuloy sa sumpaan
na wala tayong iwanan
ngunit sadyang may humahadlang
pilit tayong pinipigilan
kalagayang nanghahamon
sitwasyong di na tulad noon
mga gawain at tungkulin
kinakailngan nating tupdin
dahil dito umusbong pagmamahalan
kahit pa nasa magkaibang larangan
noon kahit na minsang sulyapan
ay parati namang katagpuan
dahil magkasama sa DG at ED
kahit papaanoý nagkikita lagi
at sa pakipamuhay sa kabayanan
yumabong ang pag-iibigan
ngayon ay nakaw-oras
kalagayaý marahas
malayo man ay ugnay pa rin
sa ating kapwa hangarin
sa bawat tungkuli't gawain
ikaw at ako kasama ang masa
lalaya aking sinta
---
hango sa mga kwento
nilang mga magsing-irog
na sa pagsubok di sumuko
sa mga hamon di nagpagupo

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

TULA: Tumataas, Nagmamahal

Tula: Si Lumad Nasaan?

Tula: MAY PAG-ASA BUKAS