Tula: MAY PAG-ASA BUKAS


Kahit na iyan na ang sabi'y nakasanayan
Sa iba'y ito na ang patakaran
Isang lokohan at gaguhan
Tinatarantado ang karapatan
Na bawat isa'y kayang presyohan
Dignidad ay dinudungisan

Sa dami pang natirang tulad mo
Sa mga tulad mong mahalaga ang pagkatao
Hindi lang nangangarap kundi kumikilos
At hinding-hindi magpapagapos
May pag-asa pa ang kinabukasan
Dahil may isang ikaw na di kayang bayaran

Nakasanayan na ang gapangan
May kalakaran pang takutan
Humantong pa ang iba sa patayan
Nabasag dating pagkakaibigan
May pag-asa pa rin ang kinabukasan
Dahil may isang ikaw na di kayang bayaran

Hindi naman baka sakaling lakbay
Ikaw lang naman ay naniniwalang tunay
Na madami ang tulad at kagaya mo
Na mahalaga ang turing sa bawat boto
May pag-asa pa rin ang kinabukasan
Dahil may mga tulad mong di kayang bayaran

Ang tulang ito ay para sa iyo
Para din sa kanilang tulad mo
Hindi naman talaga sa halalan lang
Maabot pagbabagong inaasam
Matapos ang halalan ay humakbang
Lumahok sa usaping panlipunan

May pag-asa pa rin ang kinabukasan
Dahil may mga tulad mong lumalaban


May 13, 2018
Sibagat, Agusan del Sur

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

TULA: Tumataas, Nagmamahal

Tula: Si Lumad Nasaan?