Tula: Pagbabago


Pagbabago.
Di mo na nakikita ang mga adik sa kanto
Wala na ring mga rapist at hayok na demonyo
Nawala na sila sa mga maralitang komunidad na karamihang tinumba't inaresto
Pagbabago.
Dahil ang mga pusakal at kriminal ay nagsipaghinto
Wala na ang talamak na droga at negosyo
Wala na, wala!
Pagbabago
Na ang adik sa kapangyarihan ay tumatatag at tumitibay sa pwesto
Na ang rapist, manyakis at hayok sa laman ay ang nasa pwesto mismo
Na ang mga kasosyo't protektor sa bawal na droga ay hinahunting pa rin ni Cardo
Ibig sabihin nito ay namamayagpag pa rin ang lokohan at paasa sa pagbabago
Isusumbat sa mga tao kung kaya lumaganap ito
Kesyo dahil ganito, dahil ganyan at dahil nga ito'y ginusto
Tinumba, inaresto ang karaniwang kriminal o pang-promosyong kapital
Ang mga hayok sa kapangyarihan at kayamanan ay masayang namamayagpag at protektado ni brod at kapatid 
Nangulimbat na at nagnakaw, di pa rin matanggal dahil WOW!
Ang loding libugin na kung saan saan na lang nangunguwan
Machismong halimaw na nasa katungkulan

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

TULA: Tumataas, Nagmamahal

Tula: Si Lumad Nasaan?

Tula: MAY PAG-ASA BUKAS