SALAMAT INA
Maguindanao
May 8, “Mother’s Day” 2011
Salamat sa lahat ng pagkakataon
Salamat sa walang sawang pagtugon
Ikaw inang nagbigay buhay sa amin
Kabutihan mo’y hindi lilimutin
Ikaw ina sa lahat ng panahon
Iniluwal mo ang bagong henerasyon
Kanlong sa iyong sinapupunan
Siyam na buwan tiniis mabuhay lamang
Araw araw dapat lang na ikaw ay pasalamatan
Ang iyong hirap at pasakit ay hindi matatawaran
Walang pwedeng pumantay at magmayabang
Iyong buhay ay inialay sa mga anak mong mahal
Sa tuwing nadarapa ay ikaw ang takbuhan
Sa tuwing iiyak ang iyong haplos ang pampawi ng luha
Tuwing may hindi alam ikaw ang nagpapaunawa
Araw-araw, walang pahinga mahala naming ina
Hindi namin nabigkas ang aming pagmamahal
Sa panahong ito ang pananambitan dinggin mo
Hindi malilimot magpakailanman aming mahal
Mapag-aruga at walang kapantay na pagkalinga mo
Sa mahabang panahon ay naikulong ka ng lipunan
Na iyong buhay ay sa lb lamang ng tahanan
Nais namin ngayon na ikaw ay tulungan
Lumaya ka aming ina at mundo’y kulayan ng kalayaan
Mga dakilang ina aming mahal
Pagpupugay at pagpaparangal
Itong likha ay hindi man sapat
Subalit mga salita ay wagas at tapat
photo source: https://www.google.com.ph/search?rlz=1C1CHBF_enPH761PH761&biw=1366&bih=613&tbm=isch&sa=1&ei=CPgLWtLID4H08AWg_7KADQ&q=tokhang&oq=tokhang&gs_l=psy-ab.3...374275.375411.0.376081.7.6.0.0.0.0.0.0..0.0....0...1.1.64.psy-ab..7.0.0....0.qcEfWSLV7lQ#imgrc=h32JnIRlNcO-RM:
Members of Pandayan ng Kulturang Pilipino (Panday Pira) are using their talent in art to focus on the lives lost to Oplan Tokhang, the police operations. GMA Network
Members of Pandayan ng Kulturang Pilipino (Panday Pira) are using their talent in art to focus on the lives lost to Oplan Tokhang, the police operations. GMA Network
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento