Kaluluwang Uhaw



06/22/2010
Kuta wato

Putok! Nagdilim ang Kalangitan
Hiyaw, Sigaw at Iyak ang napapakinggan
Nagpula ang lupang binagsakan
Halimaw tumawa at nasiyahan

Hinagpis at puot, naninikip ang dibdib
Nakamaskara na Katarungang huwad
Galit na bagang at kuyom na mga palad
Gigiit sa katarungan maputol man ang lubid

Sa hinukay na banging pinaglagyan
Namamayani pa rin sa bawat kaisipan
Dinanas ninyong kawalang-hiyaan at kahirapan
Nagbagang bakal na tinutusok ang aming kailaliman

Kapatid, Kasama, Asawa o Magulang
Silang mga walang awang pinaslang
Hindi awa ang kanilang karainga't kailangan
Ito ay ang alab at bagwis ng katarungan

Nakakalat na sa buong lipunan
Ang lasong hatid ay ganid at pagkagahaman
Katanyagan, Kapangyarihan at Kayamanan
Sasakalin lahat nakaharang sa daanan

Mga buhay at galanteng mga bwetre
Ilalim ng katawa'y inuuod, walang silbi
Nakakalason na dugo at laway
Tatabunan din ng lupa't mamamatay!

Ang pulang pagsilang ng haring araw
Ulan sa umaga at dapit-hapon
Didilig at magpapataba sa mga halama't lupa
Uhaw at tigang na mga kaluluwa

Hiyaw, Daing at Sigaw ng mga Kaluluwa
Katarungan upang makapahinga na
Dito sa mundong ibabaw at saan man
Hukom at katumbas ay dapat sa may sala

Huwag mag-alala aming mga sinta
Hinding-hindi tatahimik hanggang sa lumaya
Hindi matatabunan ng lupa at bato
Katarungan ay ihahandog namin sa inyo

Lumiyab ka bangis ng katarungan
Magliwanag at lipulin ang kasamaan
Huhukayin, Sisisirin at Liliparin saan man
Mabigyan daan ang tunay na katarungan!

Hangga't katarunga'y mailap
Hindi ibinibigay, kulang at salat
Hindi maaanod ng mapanghamong alon ng dagat
Mga kaluluwa ang sa katarunga'y tutulak

photo source: 
A vigilante-style killing that victimized two drug suspects in Rosario, Pasig, on Sept. 23. —RAFFY LERMA
https://www.google.com.ph/search?rlz=1C1CHBF_enPH761PH761&biw=1366&bih=613&tbm=isch&sa=1&ei=CPgLWtLID4H08AWg_7KADQ&q=tokhang&oq=tokhang&gs_l=psy-ab.3...374275.375411.0.376081.7.6.0.0.0.0.0.0..0.0....0...1.1.64.psy-ab..7.0.0....0.qcEfWSLV7lQ#imgrc=I09wsfqA-mFSHM:


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

TULA: Tumataas, Nagmamahal

Tula: Si Lumad Nasaan?

Tula: MAY PAG-ASA BUKAS