Pagsinta (2)



Nanghahamon ang panahon
Makulimlim ang kalawakan
Nanggagaliiti ang mga alon
Nagdidilim ang kapaligiran.
Sa panahong malamig
Sana ay di ang iyong pag-ibig
Ang iyong damdamin
Manatili sana ang init.
Ang higpit ng kapit
Bukas ating iguhit
Kapit lang irog ko
Magkasama tayo.
Sa dulo nitong ating lakbay
Lagpasan mga hamong kasabay
Tiyak natin ang ating tunguhin
Pagsintang ito'y pagtitibayin.
Paru-parong tulad ko
Liparin man ng malakas na ihip
Sa bulaklak na tulad mo
Sisikapin kong sa'yo'y makadapo.
Huwag indain ang paninindak
Harapin natin ng halakhak
Posibleng may panahon ng iyak
Pagtibay ng pagsinta'y tiyak.
Sa piling ng masa
Sa hardin ng digma
Sa gitna ng Pakikibaka
Ating Pagsinta'y tataba.
Oct 24, 2016
Lanao del Norte

photo source: https://www.google.com.ph/search?q=love+butterfly&rlz=1C1CHBF_enPH761PH761&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwiItreHisDXAhWBUbwKHbMJB-UQ_AUICigB&biw=1366&bih=662#imgrc=69YvLCx-ycUgQM:

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

TULA: Tumataas, Nagmamahal

Tula: Si Lumad Nasaan?

Tula: MAY PAG-ASA BUKAS