Tula: Manlaban at Magwagi
Manlaban aping uri
Manlaban hanggang magwagi
Manlaban aping uri
Manlaban hanggang magwagi
Sinadlak ka, sinadlak ka
Iyong yaman ay inagaw na
Ang nayon at mga bukirin
Boung paligid na nga ay inangkin
Nagbuhos ng lakas at pawis
Sa bunga sa’yo’y walang natira
Katawang manhid na sa sakit
Bumangon at ipadama iyong bangis
Pagawaan at mga industriya
Impyerno sa iyo manggagawa
Malakas nama’t kumukita
Kailangan mo pa ring magmakaawa
Binuhay mo ang ekonomiya
Pinakain ang buong madla
Tingnan kung sa iyo’y may natira
Dama na lang kalam na sikmura
Lakbayin masalimuot na daan
Ang puso at isip ay armasan
Sa pinagbuklod nating lakas
Lalaya din at makakaalpas
Putulin dilang mapanlinlang
Basagin katahimikang hadlang
Bumangon na at manlaban
Kaapihan sabay nating wakasan
03062011
The Netherlands
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento