Tula: Buhay sa Ibayong Dagat: Hanggang Kailan?
Nangarap umangat ang buhay
Nagsikap at nagsunog ng kilay
Saksi ang lipunan sa hirap na danas
Hinamon nang husto ng maraming dahas
Pinagsikapan ang narrating ngayon
Nagtapos at handa na sa mga hamon
Alay sa mga mahal na kapamilya
Kasama sa dusa’t saya nitong tahak na landas
Nawasak ang mumurahing sapastos
Naka-ilang palit na ng damit na suot
Pumila sa mahabang nag-aantay nang pagbukas
Kapwa aplikante sa pagawaang walang sing pintas
Nagpasyang lisanin ang bayang kinagisnan
Titiisin ang pagkalayo makahanap man lang
Kabuhayang hindi matagpuan sa lupang tinubuan
Kalagayang hinayaan ng sistemang mapanlinlang
Walang katiyakan
Walang masasandalan
Sa lipunang alipin ng kasakiman
Hanggang kailan mapagtiisan
Hindi madali ang buhay-nagbakasakali
Kabaliktaran ng buhay na minimithi
Puno ng dusa, pait at hapdi
Sugatang puso na puno ng pananabik
Hindi madali ang buhay-nagbakasakali
Gubat na nakapalibot hayop na mababangis
Mundong mapanghusga at walang pakialam
Pagkatao’y niyurakan at hayagang nilapastangan
04212011
Mguindanao
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento