Pagsinta (1)


Paru-parong nabihag
Sa ganda't halimuyak
Kahit mahirap tatahak
Maipadama pag-ibig na payak.
Katulad ng ibang nagmahal
Paru-parong nagdarasal
Bulaklak sa hardin ng digma
Di mawalan ng sigla at ganda.
Katulad ng iba hindi perpekto
Paru-parong sa buhay natutoto
Sa lakbay ng buhay kasama ka
Determinasyon natin ngiti ng masa.
Dadapo sa puso mo
Pag-ibig nagpatibok ng puso ko
Katulad kong paru-paro
Maglilingkod sa iyo.
Sa nagsasayaw na alon papalaot
Lakbayin matatayog na bundok
Duduyan sa nananaghoy na hangin
Sabik na bawat sandali ika'y kapiling.
Maingat na tatawid sa apoy ng buhay
Yakap pag-asang bukang liwayway
Itong pagsintang aking alay 
Sa iyo lamang habambuhay.
Paru-paro'y patuloy sa paglalayag
Damdami'y naipahayag
Basahi't ngitian mo lamang
Dagdag sa hugot at lakas kong tangan
Sa hardin ng digma
Sa piling ng masa
Sa gitna ng pakikibaka
Ating pagsinta'y tataba.




Oct 17, 2016

Lanao del Sur

Photo source: https://www.google.com.ph/search?q=love+butterfly&rlz=1C1CHBF_enPH761PH761&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwiItreHisDXAhWBUbwKHbMJB-UQ_AUICigB&biw=1366&bih=662#imgrc=-u0Q4yM_HE3UfM:

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

TULA: Tumataas, Nagmamahal

Tula: Si Lumad Nasaan?

Tula: MAY PAG-ASA BUKAS