Tula: 12.18.14
Kaya ay nangibang-bayan Upang makipagsapalaran Titiisin ang mawalay Sa mga mahal sa buhay Baon ang mga pangarap Makaahon man lang sa huirap Kinakapita'y tibay ng loob Magandang buhay sa mahal ipagkaloob Oh ang buhay OFW Kayod-kalabaw doon at dito Kung sana'y pwedeng mamili Naisin ang kapiling mga mahal lage Twing aalis mabigat sa loob Ayaw humakbang ang paa't tuhod Ayaw lumingo't naghatid ay tingnan Mas lalo lang nabibigatan Sa twing panahon ng uwian Tuwa ay walang mapaglagyan Panalangin lang at hiling Bunga ng pawis huwag aksayahin alay na awit sa mga OFW at lahat na mga manggagawang dayuhan kung saan sila namamasukan