Lakbay-Hinto-Lakbay



Nang minsang napahinto

Sa lugar na malayo
Minsan kasi nais din
Mapag-isa at huminga ng malalim.
Ang iba'y sa tuktok ng bundok
Iba nama'y sa malawak na dagat
May mga gusto ring sa gitna ng gubat
May mga nais ding sa tabi ng ilog.
Ngunit lahat ay iisa ang direksyon sa dulo
Nais lakbayin ang kaibuturan ng kalooban
Nais ay kailaliman ng puso ang malakbay
Nais lakbayi't mabatid ang halaga ng buhay.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

TULA: Tumataas, Nagmamahal

Tula: Si Lumad Nasaan?

Tula: MAY PAG-ASA BUKAS