Tula: 12.18.14


Kaya ay nangibang-bayan

Upang makipagsapalaran

Titiisin ang mawalay
Sa mga mahal sa buhay
Baon ang mga pangarap
Makaahon man lang sa huirap
Kinakapita'y tibay ng loob
Magandang buhay sa mahal ipagkaloob
Oh ang buhay OFW
Kayod-kalabaw doon at dito
Kung sana'y pwedeng mamili
Naisin ang kapiling mga mahal lage
Twing aalis mabigat sa loob
Ayaw humakbang ang paa't tuhod
Ayaw lumingo't naghatid ay tingnan
Mas lalo lang nabibigatan
Sa twing panahon ng uwian
Tuwa ay walang mapaglagyan
Panalangin lang at hiling
Bunga ng pawis huwag aksayahin

alay na awit sa mga OFW at lahat na mga manggagawang dayuhan kung saan sila namamasukan

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

TULA: Tumataas, Nagmamahal

Tula: Si Lumad Nasaan?

Tula: MAY PAG-ASA BUKAS