Tula: Pandayin Ngayon


Dahan dahang bumigat
Hindi ang mga balikat

Kundi ang paghakbang

Habang bagtas ang lansangan
Sari-saring emosyon
Nilang mga kalahok
Lakas ang determinasyon
Marating ang direksyon
Bago magbukang liwayway
Pangkat ng manlalakbay
Hanggang dapit.hapon
Handa na sa mga hamon
May mga kumutya
May mg tumuligsa
May mga naawa
May mga nakiisa
Naiparating sa madla
Ang hangad na mapayapa
Sa mga sumubaybay
Tuloy ang paglalakbay
Peoples Peace March
Lakbay ng mga pangarap
Silang mga nangangarap
Mithing kapayapaan ang yakap
Abante walang atras
Nitong ating pinapanday na bukas
Pasakit, pahirap ngitian
Pandayin kalahok lahat na kapayapaan
Iwagayway bandilang hawak
Itaas kamaong kuyom ang pangarap
Ihakbang pagod man na mga paa
Ngitian lipunang nanghuhusga
Sa mga manlalakbay tulad ko
Humayong nakataas ang noo
Katawan man ay pagod
Sa pang.aapi huwag lumuhod.
Barongis, Libungan, North Cotabato
Dec 15, 2016


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

TULA: Tumataas, Nagmamahal

Tula: Si Lumad Nasaan?

Tula: MAY PAG-ASA BUKAS