Mga Post

Ngunit Bakit? (Awit ng Panahon)

Imahe
Daming kwento Daming istorya Sa lipunang masaya Nagkaisa Nagtulungan Nagdadamayan Ngunit bakit? Bakit dinaig? Dinaig ng Karahasan? Matandang nauna Ano ang ginawa? Ano ang ipinunla? Sa aming paaralan Moro, Lumad, Migrante Masayang magkakaklase Naglalaro Natototo Mayroong Respeto Ngnunit bakit? Bakit dinaig? Dinaig ng karahasan? Matandang nauna Ano ang ginawa? Ano ang ipinunla?

Harapin nang harapan

Imahe
After Tropical Storm Vinta hit Lanao del Norte. 23 December 2017. Ang larawan ay isa lang sa sumasalamin Sa buhay mo ay hindi mo nanaisin Mais, palay, gulay, mga pananim Sinira at kinitil kahit buhay man din Bumaba na mga batong bundok Tinabunan mga komunidad at pook Napalikas ang mga pamayanan Tinangayan ng ari-aria't kabuhayan Hindi ito kakaiba sa mga nauna O baka nga mas kunti lang ang pinsala Ganun ma'y dapat nang ikabahala Ang lahat ay di na nakakatuwa Harapin nang harapan ang kalagayan Lagpas na dapat sa tulungan at awaan Pagsagip sa Kalikasan nang tuwiran Katarungang Pangkalikasan, KALIKASAN NAMAN! Maranding, Lala, Lanao del Norte January 10, 2018 Larawan: MIHANDS Sinalanta ng Bagyong Vinta FOLLOW MIHANDs for updates on the situation and interventions

KATARUNGAN sa Ampatuan 58

Imahe
Ampatuan Massacre in Numbers by NUJP Kumulog, dumilim Magalit ka hangin Yanigin ang mundo Katarungan sa limampo at walo! Lamunin mo lupa Silang mga may sala Pahiran ang mga luha Ng mga naulilang kaluluwa. #NeverForget58 #EndImpunity #AmpatuanMassacre November 23, 2017 Malindang Range

Ilang Katotohanang Totoo

Imahe
SDG ng mga bansa 1. Gustong mapuntang langit ayaw naman maunang mamatay. 2. Agawan ng front seat sabay din namang darating lahat. 3. Naiinitan daw kaya magpapalamig, nagsuot naman ng jacket. 4. Umaga pa lang kumakayod na, tamad pa rin ang tawag ng karamihan sa kanila dahil sila'y dukha. 5. Manggagawang nagsumikap, kapitalista ang nagpapakasarap. 6. Si karaniwang magsasaka, nangungutang para may makain siya at kanyang pamilya.

Ang umibig sa'yo

Imahe
Sa gitna ng lahat Matulis na kuko Matalas na pangil Kaaway na mapangwasak Hinahamak Sinasadlak Puso'y sinugatan Tarak sa katauhan Nagpupumiglas Bumabalikwas Nagpupumilit Pag-ibig igiit Sintang aalayan Iniirog na bayan Giliw kong minamahal Kalayaan itanghal. Agusan del Sur November 21, 2017

Silanga'y Pula

Imahe
November 11, 2017 8PM Cotabato City 1. Masalimuot Dumaraing Nasasakal Ang sambayanan 2. Nagdurugo Naghihingalo Pakiramdam ay bilanggo Lipuna'y nadelubyo 3. Sakyan mga Pangarap Abutin ang mga ulap Langit din ay marating Sa pagkahimbing magising 4. Naiduyan ng pangako Karapata'y nagupo Nais silayan ang pagbabago Humantong sa malapad na sementeryo 5. Di naman bago ang bumalikwas Dahil sa mga dinaranas Di naman ninais na dugo ang tagas Sa tahak na mapanghamong landas 6. Nanghahamon Sinong tutugon Buklod na iguhit sa kasaysayan Ipagtanggol ang mga karapatan. 7. Hahayaan na lang? Magsasara ang tabing? Babaunin ang hinaing? Sa anim na talampakang libing? 8. Hindi! Hinding hindi! Hindi tatahimik! Pipiglas, gigiit! 9. Sa ating pag-uwi Pangamba ma'y di mahawi Ugnay tayo sa lakbay na ito Kasama mo at kasama ko 10. Lukso, talon, sigaw Boses iparinig na malinaw Mga talang tanglaw P...

IBUHOS MO NA

Imahe
Umiyak ka at ibuhos na lahat Huwag magtira ng kahit isang lamat Bayaan mong anurin na ng iyong luha Ang anumang kanyang ala-ala... Bayaan mo andito lang ang balikat ko Handa palagi noon pang sumalo Di ka hahayaang lumuha at masaktan Susunugin ka pag iyong paglalaruan. Nov 5, 2017