Silanga'y Pula
November 11, 2017
8PM
Cotabato City
1. Masalimuot
Dumaraing
Nasasakal
Ang sambayanan
2. Nagdurugo
Naghihingalo
Pakiramdam ay bilanggo
Lipuna'y nadelubyo
3. Sakyan mga Pangarap
Abutin ang mga ulap
Langit din ay marating
Sa pagkahimbing magising
4. Naiduyan ng pangako
Karapata'y nagupo
Nais silayan ang pagbabago
Humantong sa malapad na sementeryo
5. Di naman bago ang bumalikwas
Dahil sa mga dinaranas
Di naman ninais na dugo ang tagas
Sa tahak na mapanghamong landas
6. Nanghahamon
Sinong tutugon
Buklod na iguhit sa kasaysayan
Ipagtanggol ang mga karapatan.
7. Hahayaan na lang?
Magsasara ang tabing?
Babaunin ang hinaing?
Sa anim na talampakang libing?
8. Hindi!
Hinding hindi!
Hindi tatahimik!
Pipiglas, gigiit!
9. Sa ating pag-uwi
Pangamba ma'y di mahawi
Ugnay tayo sa lakbay na ito
Kasama mo at kasama ko
10. Lukso, talon, sigaw
Boses iparinig na malinaw
Mga talang tanglaw
Pupula ang silangan, sisikat ang araw
11. Hindi sapat ang mga titik
Naisulat habang nakikinig
Sa mga malutong na tawa't hagikhik
Hanggang sa muli mga kapatid
Conference on Martial Law: Implications to Peace, Human Rights and Humanitarian Work
Cotabato City
November 9-11, 2017
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento