Sinubukan kong namnamin,   Di ko Lang seguro napansin   Kahit makailan pang ulitin   Sadyang ang agenda ng mga Lumad mahirap banggitin.     Sa pag-ulat sa ikatlong pagkakataon   Mas makinang ang brasuhan sa posisyon   Mas makinang ang interes ng Korporasyon   Tiyak dadanak ang dugo at di na kailangan ng kabaong.   May mga hindi imbitadong bisita sa tahanan  Doon sa lupaing yaman na minana  Magpupumilit na papasok kahit umayaw na  Paluluhurin kung ayaw makisama nang kusa   Magdurugo at matagal nang nagdurugong puso  Ang Lupaing tinamnan ng mga pangarap nagdurugo  Ngunit hinding hindi pagugupo, hindi pagugupo  Tulad ng mga nauna na, ang mga ninuno   Sapilitan mang palikasin at tabunan ang hinaing  Tulad ng mga damo sa malawak na lupain  Sisibol at makikibakang matatag, pakikibakaý liliyab  Isusulong ang karapatan sa lupa at mabuhay na sinisiil!      Layout ng poster:  Joel Pablo Salud   July 23, 2018  
 
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento