Harapin nang harapan

After Tropical Storm Vinta hit Lanao del Norte. 23 December 2017.

Ang larawan ay isa lang sa sumasalamin
Sa buhay mo ay hindi mo nanaisin
Mais, palay, gulay, mga pananim
Sinira at kinitil kahit buhay man din

Bumaba na mga batong bundok
Tinabunan mga komunidad at pook
Napalikas ang mga pamayanan
Tinangayan ng ari-aria't kabuhayan

Hindi ito kakaiba sa mga nauna
O baka nga mas kunti lang ang pinsala
Ganun ma'y dapat nang ikabahala
Ang lahat ay di na nakakatuwa

Harapin nang harapan ang kalagayan
Lagpas na dapat sa tulungan at awaan
Pagsagip sa Kalikasan nang tuwiran
Katarungang Pangkalikasan, KALIKASAN NAMAN!


Maranding, Lala, Lanao del Norte
January 10, 2018

Larawan: MIHANDS
Sinalanta ng Bagyong Vinta
FOLLOW MIHANDs for updates on the situation and interventions

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

TULA: Tumataas, Nagmamahal

Tula: Si Lumad Nasaan?

Tula: MAY PAG-ASA BUKAS