Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Abril, 2018

Reflections: Engaging Men and Boys

Imahe
Providing a platform for men and boys to understand gender issues and gender oppression is an opportunity to recruit them to be advocates.  We cannot do it in two to three days. It is a process. But for the men and boys opening up their emotions and perceptions, accepting their misdeeds to women and girls and that they can be an ally and partners of all gender in dismantling the dominant masculine system are already doors and windows for invitations in the advocacy... There's always a room that we can found... "I am a tree that can provide a shadow for others and can lean a hand to those in need.." said one of the participants. "Ako usa ka humay nga sama sa pagkaon mohatag ug kinabuhi sa katawhan ug komunidad taliwala sa among sitwasyon nga duna pay pakigbisog sa yuta," ingon pud sa usa pa. "I dream of a society that justice and equality exist," said one boy participant in our visioning session. Let us see, for social transform

Visuals: Defend the Seeds

Imahe
Peace is what we build . Safe and Healthy Food is what we need. Defend the Seeds!

TULA: Tayang Sayang

Imahe
Sa dami ng umasa Bansa ay may pag-asa Milyones tumaya't pumusta Magkakatotoo pangarap nila Pero nagkatotoo aking hinala Tulad din ng mga nauna Sasaktan mo rin mga puso nila Masasayang kanilang pagtaya #changeNOTchain

TULA: Ano ang bago?

Imahe
Kung ang una, pangalawa at pangatlo Ipinangako nito ay purong bigo Ano pa ba ang aasahan mong magkatotoo? O sadyang manhid ka na at nagpapaloko Kontra-droga, kontra-kurapsyon at endo Ngayon ang sabi ay repormang agraryo Kung sa kapitalista ay lumuhod, yumuko Ano bang pagbabago ang inihahain nito? #changeNOTchainPh

TULA: SIPDM 2018

Imahe
Kung sa iyo man ay wala nang makinig Huwag kang tumiklop at manlamig Tuloy lang sa mga pagpapahiwatig Kahit papano mayron silang naririnig Tulad ng iba din ay ibig  Tulad ng munti mo tinig Hindi kusang dumarating ang ating nais Kailangan kasama ang lahat sa paghugis  #SIPDM2018

Tula: Alpas sa dikta ng lipunan

Imahe
Ako ay puno Bibigay lilim sa mga tao Ako ay palay Pagkaing buhay ang bigay Ako ay tubig Mithi na purong malamig Ako ay pansakang alaga Maglilingkod tuwi-tuwina Mga binitawang kataga Nang sila isa-isang magpakilala Mga lalaking magkaiba ang gulang Magkaiba ang pinanggalingan Tinanggap na may mga kamalian Umamin sa mga pagkukulang Sa dulo ng pag-uusap at kwentuhan Magkukusang umalpas sa dikta ng lipunan Participants of the Gender Studies for Men Mancao IFarm, Simpak, Lala, Lanao del Norte April 21-22, 2018 #GSM #EngageMen

Tula: Bakit ka nga ba andyan kung wala kang pinagmulan?

Imahe
Bakit ka nga ba andyan kung wala kang pinagmulan? Sikat na sikat kasi may pangalan Kilalang tao na sa mga samahan Magaling na nga kung sa kaalaman lang ang usapan Iba ang dating dahil magaling ang pinagmulan Lumawak pang lalo ang kakayaha't kamulatan Dami ka na  kasing pagsasanay na dinaluhan Hoy, ikaw! Oo ikaw yun! Ikaw nga! Sino pa nga ba? May iba pa ba? Di ba ikaw naman yon? Ang sumikat at naging kilala ngayon Dahil ikaw ay kasama nila noon? Saan na sila ngayon? Silang kasama noon? Bakit ka nga ba andyan kung wala kang pinagmulan? Silang buong buong ikaw ay piangkatiwalaan Silang nagsasama pa rin at umaasang may pag-asa Silang napabayaan mo dahil sikat ka na Silang pinagmulan mo kung saan ka ngayon napunta.

TULA: SALAMAT SA INYO

Imahe
SALAMAT SA INYO Salamat nang buo Sa inyong mga nagbabasa Sa mga nagbaling ng puso at mata Na kahit di kakilala ay natuwa Sa aking mga sulat at inakda Maaring nalungkot, nagalit o tumawa Maaring umiyak, sumigasig o lumamya Basta kung anuman ang bunga Maraming Salamat pa rin Sa pagbaling ng tingin Mga isinulat nawang tulad ng sa akin Patuloy ninyong tangkiliki't basahin Hindi bihasa at hindi magaling Inihayag at inilathalang damdamin Patuloy ninyong tangkiliki't basahin Iligan City 4-12-2018 12.18

Because I Love You

Imahe
Because I Love You One by one Or by hundreds Even by thousands Displaced from ancestral lands Harassed or murdered To neutralize those who dared To silent those who resist Sowed fear to the rest Can you still turn blind eye? Who's next to die? Started to hate numbers Can't stand with growing murders Who should speak? Who should stand? Until when we sleep with regrets? When will you stand on your feet?

Habang Kailan?

Imahe
Habang karamihan ay masaya dahil sila'y nagsipagtapos ikaw naman ay malungkot dahil tapos na rin kayo. Kung sila ay nag moving up, sana ikaw din ay mag moving on na. Sa assignment may tulungan, sa pag-ibig ingat lang dahil minsan ang puso ng iba ang kinagigiliwan. Sila graduate na, ikaw kailan ka kaya ga-graduate sa kakahintay sa kanya? Hayan, may time table sa pag-aaral at pangarap. Ang pagwawakas kaya sa Endo at Kahirapan, kailan? Hingi at hiling ka ng pasado o di kaya mataas na grado, si teacher kaya kailan tataas ang sweldo? Sa halalan magandang serbisyo gusto mo,  kailan din kaya gaganda ang serbisyo mo sa mga guro? Lanao del Sur April 4, 2018