Mga Post

KATARUNGAN sa Ampatuan 58

Imahe
Ampatuan Massacre in Numbers by NUJP Kumulog, dumilim Magalit ka hangin Yanigin ang mundo Katarungan sa limampo at walo! Lamunin mo lupa Silang mga may sala Pahiran ang mga luha Ng mga naulilang kaluluwa. #NeverForget58 #EndImpunity #AmpatuanMassacre November 23, 2017 Malindang Range

Ilang Katotohanang Totoo

Imahe
SDG ng mga bansa 1. Gustong mapuntang langit ayaw naman maunang mamatay. 2. Agawan ng front seat sabay din namang darating lahat. 3. Naiinitan daw kaya magpapalamig, nagsuot naman ng jacket. 4. Umaga pa lang kumakayod na, tamad pa rin ang tawag ng karamihan sa kanila dahil sila'y dukha. 5. Manggagawang nagsumikap, kapitalista ang nagpapakasarap. 6. Si karaniwang magsasaka, nangungutang para may makain siya at kanyang pamilya.

Ang umibig sa'yo

Imahe
Sa gitna ng lahat Matulis na kuko Matalas na pangil Kaaway na mapangwasak Hinahamak Sinasadlak Puso'y sinugatan Tarak sa katauhan Nagpupumiglas Bumabalikwas Nagpupumilit Pag-ibig igiit Sintang aalayan Iniirog na bayan Giliw kong minamahal Kalayaan itanghal. Agusan del Sur November 21, 2017

Silanga'y Pula

Imahe
November 11, 2017 8PM Cotabato City 1. Masalimuot Dumaraing Nasasakal Ang sambayanan 2. Nagdurugo Naghihingalo Pakiramdam ay bilanggo Lipuna'y nadelubyo 3. Sakyan mga Pangarap Abutin ang mga ulap Langit din ay marating Sa pagkahimbing magising 4. Naiduyan ng pangako Karapata'y nagupo Nais silayan ang pagbabago Humantong sa malapad na sementeryo 5. Di naman bago ang bumalikwas Dahil sa mga dinaranas Di naman ninais na dugo ang tagas Sa tahak na mapanghamong landas 6. Nanghahamon Sinong tutugon Buklod na iguhit sa kasaysayan Ipagtanggol ang mga karapatan. 7. Hahayaan na lang? Magsasara ang tabing? Babaunin ang hinaing? Sa anim na talampakang libing? 8. Hindi! Hinding hindi! Hindi tatahimik! Pipiglas, gigiit! 9. Sa ating pag-uwi Pangamba ma'y di mahawi Ugnay tayo sa lakbay na ito Kasama mo at kasama ko 10. Lukso, talon, sigaw Boses iparinig na malinaw Mga talang tanglaw P...

IBUHOS MO NA

Imahe
Umiyak ka at ibuhos na lahat Huwag magtira ng kahit isang lamat Bayaan mong anurin na ng iyong luha Ang anumang kanyang ala-ala... Bayaan mo andito lang ang balikat ko Handa palagi noon pang sumalo Di ka hahayaang lumuha at masaktan Susunugin ka pag iyong paglalaruan. Nov 5, 2017

Himayang Langit

Imahe
Mas labing tam-is tagamtamon Ang kinabuhi nga puno sa gugma Dili igsapayan ang mga panulay Bisan pag lumsan sa mga suliran Samtang mokitiw pa ang kumingking Mabati pang kahait sa mga kagingking Sa likod sa baga ug itom nga panganod Toa ang himayang langit sa kalipay...

YOLANDA: Mother Earth VS Father Profit

Imahe
Apat na taon ang nagdaan, Si Yolanda ay dumaan. Pinagwawasak mga dinaanan. Ang daming buhay nilunod, tinabunan. Sa petsang ito, sa araw na ito. Humambalos ang karagatan sa lupa. Dinurog mga tahana't lahat na nakatayo. Mga nakaligtas ngayon ay kumusta na kaya? # Yolanda   # Haiyan   # ClimateInaction   # ClimateChange # MotherEarthVSFatherProfit   # ClimateJustice photo source: https://www.google.com.ph/search?q=Yolanda&rlz=1C1CHBF_enPH761PH761&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwj-k7rdv7DXAhVEPrwKHYcVCukQ_AUICigB&biw=1366&bih=662#imgrc=CXJM9mKBCwItBM: