Mga Post

Who killed the dead?

Imahe
11/29/2014 trf/ LDN Known peace loving among men and women Championed dialogue and co-existence Firmed the stand on ancestral domain Spoke vocally against mining A silent man while walking to his home Met by her daughter with his wife in the road Gun shots pinned him down to no mercy Still able to cover to let his wife ran free Known mediator and facilitator Active in non-violent conflict transformation Active in advancing the right to self-determination Missing and never been found Agrarian reform activist as a peasant Never been cowed by the threats Harassment made her more than strong Shut down by the cowards while riding towards home Tortured, Disappeared and murdered Believing that the current system is wrong Leading mass movements for so long Silenced by the hoodlums Just wanted to be free Free from ideological and partisan stands As tribe leaders only wanted to be independent Harassed by the left and the...

Pagsinta (2)

Imahe
Nanghahamon ang panahon Makulimlim ang kalawakan Nanggagaliiti ang mga alon Nagdidilim ang kapaligiran. Sa panahong malamig Sana ay di ang iyong pag-ibig Ang iyong damdamin Manatili sana ang init. Ang higpit ng kapit Bukas ating iguhit Kapit lang irog ko Magkasama tayo. Sa dulo nitong ating lakbay Lagpasan mga hamong kasabay Tiyak natin ang ating tunguhin Pagsintang ito'y pagtitibayin. Paru-parong tulad ko Liparin man ng malakas na ihip Sa bulaklak na tulad mo Sisikapin kong sa'yo'y makadapo. Huwag indain ang paninindak Harapin natin ng halakhak Posibleng may panahon ng iyak Pagtibay ng pagsinta'y tiyak. Sa piling ng masa Sa hardin ng digma Sa gitna ng Pakikibaka Ating Pagsinta'y tataba. Oct 24, 2016 Lanao del Norte photo source: https://www.google.com.ph/search?q=love+butterfly&rlz=1C1CHBF_enPH761PH761&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwiItreHisDXAhWBUbwKHbMJB-UQ_AUICigB&b...

Pagsinta (1)

Imahe
Paru-parong nabihag Sa ganda't halimuyak Kahit mahirap tatahak Maipadama pag-ibig na payak. Katulad ng ibang nagmahal Paru-parong nagdarasal Bulaklak sa hardin ng digma Di mawalan ng sigla at ganda. Katulad ng iba hindi perpekto Paru-parong sa buhay natutoto Sa lakbay ng buhay kasama ka Determinasyon natin ngiti ng masa. Dadapo sa puso mo Pag-ibig nagpatibok ng puso ko Katulad kong paru-paro Maglilingkod sa iyo. Sa nagsasayaw na alon papalaot Lakbayin matatayog na bundok Duduyan sa nananaghoy na hangin Sabik na bawat sandali ika'y kapiling. Maingat na tatawid sa apoy ng buhay Yakap pag-asang bukang liwayway Itong pagsintang aking alay  Sa iyo lamang habambuhay. Paru-paro'y patuloy sa paglalayag Damdami'y naipahayag Basahi't ngitian mo lamang Dagdag sa hugot at lakas kong tangan Sa hardin ng digma Sa piling ng masa Sa gitna ng pakikibaka Ating pagsinta'y tataba. Oct 17, 2016 Lanao...