Noon hanggang ngayon
October 17, 2017
South Upi, Maguindanao
South Upi, Maguindanao
Tayo, tindig, kilos, talon
Sabay sigaw sa pag-ahon (Meuyag)
Buhay, kultura at tradisyon
Yaman noon hanggang ngayon
Sabay sigaw sa pag-ahon (Meuyag)
Buhay, kultura at tradisyon
Yaman noon hanggang ngayon
1. Habilin ng mga ninuno
Huwag bastang sumuko
Huwag maging sakim
Ibahagi huwag mang-angkin
Huwag bastang sumuko
Huwag maging sakim
Ibahagi huwag mang-angkin
2. Ipinagkatiwalang biyaya
Alagaa't pagyamanin
Lupaing ninuno
Syang buhay at dugo
Alagaa't pagyamanin
Lupaing ninuno
Syang buhay at dugo
3. Sa mga salinlahi
Kayamanan ibahagi
Mga awit, kultura't kwento
Ipagsigawan sa mundo
Kayamanan ibahagi
Mga awit, kultura't kwento
Ipagsigawan sa mundo
4. Sumulong huwag umurong
Suungin mga hamon
Pumiglas at mangahas
Pagbuklod ang lakas
Suungin mga hamon
Pumiglas at mangahas
Pagbuklod ang lakas
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento