Kefurung Lambangian


Oct 18, 2017 (2nd Kefurung Festival)
South Upi, Maguindanao

Di napigilan ng ulan
Di nabuwag ng bagyo
Ang nag-aalab na mga puso
Ang daluyong ng mamamayan
Kefurung, tagisan, paligsahan
Kaalamang Lambangian
Sari-saring laranga'y natunghayan
Saksi ay masiglang pamayanan
Umulan sa simula pa lang
Di natibag bayang naghiyawan
Nais sumaksi hanggang dulo
Di na sukat ang talo o panalo.
Puno ng tuwa at galak
Itong pamayanang payak
Sa bawat mukha kita ang saya
Babae, lalaki, matanda at bata.
Hindi naman talaga hangad ay premyo
Nais lang ipagdiwang kaalamang-katutubo
Nais magbahaginan ng mga kagalingan
Bilang tribu, bilang mamamayan.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

TULA: Tumataas, Nagmamahal

Tula: Si Lumad Nasaan?

Tula: MAY PAG-ASA BUKAS