ANG UMIBIG SA'YO


30 April 2017
Mimbalot, Buruun, Iligan City

NGITI MO PA LANG AY AYOS NA
WALA NA AKONG MAHIHILING PA
LIWANAG AT LANGIT ANG HATID
DITO SA PUSO KAHIT DI MO BATID

IROG KONG GINIGILIW
AKO AY NABABALIW
‘PAG KAHARAP KA NA
TILA AKO’Y BASANG SISIW

KABAITAN MO AY KAGANDAHAN
PINAGHALONG TAGLAY NA KATANGIAN
SA PILING NG MASANG PINAGLILINGKURAN
DI KUKUPAS SANA KAILANMAN

SILIP SILIP LANG NO’NG UNA
MINSA’Y NAGTATAGPO MGA MATA
NO’NG UNA NATING PAGKIKITA
SA ISANG DG, USAPING POLITIKA.

MAINIT, MALAMIG AT LALONG NAANTIG
DAMDAMIN SA PUSONG PUMIPINTIG
KAPWA TAYO NAGFULL-TIME
MAPAGPALAYANG PAG-IBIG.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

TULA: Tumataas, Nagmamahal

Tula: Si Lumad Nasaan?

Tula: MAY PAG-ASA BUKAS