Tula: Malakas Ka?


Siya’y naturingang mahina
Kaya sa kanya di ka nagtitiwala
Bagay sa kanya’y bahay at bata
Siya’y walang kakayaha’t mahina

Itlog, semilya’y nahinog
Sa kandungan nya nahubog
Sa sinapupunan nya nabuo
Iyong lahi at kasaysayan – tao.

Pormadong mga kalamnan
Sa lakas at kisig ay nakikitaan
Ngunit di mo naman makayanan
Kumarga buong araw nang walang pahingaan.

Siyang mahina’t walang lakas
Siyam na buwan ang inalpas
Higa, tayo, upo ay tangan sa sinapupunan
Kahit sa bigat ay di napanghihinaan.

Ngayon, sabihin mo
Ipagyabang ang lakas mo
Sabinhin mo ngayong malakas ka
Ipagyabang mong mahina siya.

Mayo 5, 2017
Marawi City

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

TULA: Tumataas, Nagmamahal

Tula: Si Lumad Nasaan?

Tula: MAY PAG-ASA BUKAS