Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Mayo, 2018

Tula: Pagmamahalan, Yayabong, Lalaya

Imahe
nagkikita na lang ng minsan di na kadalasan dahil di pwedeng iwanan gawain na tayoý naatasan nahihiya tuloy sa sumpaan na wala tayong iwanan ngunit sadyang may humahadlang pilit tayong pinipigilan kalagayang nanghahamon sitwasyong di na tulad noon mga gawain at tungkulin kinakailngan nating tupdin dahil dito umusbong pagmamahalan kahit pa nasa magkaibang larangan noon kahit na minsang sulyapan ay parati namang katagpuan dahil magkasama sa DG at ED kahit papaanoý nagkikita lagi at sa pakipamuhay sa kabayanan yumabong ang pag-iibigan ngayon ay nakaw-oras kalagayaý marahas malayo man ay ugnay pa rin sa ating kapwa hangarin sa bawat tungkuli't gawain ikaw at ako kasama ang masa lalaya aking sinta --- hango sa mga kwento nilang mga magsing-irog na sa pagsubok di sumuko sa mga hamon di nagpagupo

TULA: Tumataas, Nagmamahal

Imahe
Hindi ang oras ng pagsasama, hindi ang ating kulitan hindi ang ating samahan, hindi ang ating lambingan dahil di naman natin magawang gumala tanging sa pangarap na lang muna dahil di naman kita mailibre dahil di pa sinwerte dahil di kita maisamang manood ng sine dahil kahit ang huminga malapit nang may bayad paano nga naman kaya pag-iibigan umunlad Kung ang mabuhay ay ang mahal ngunit ang buhay ay di nagtatagal kahit mamili ka ng tahak na landas kung ang mamuhay naman presyoý kay taas nagmamahal, tumataas itong mga presyo ng bilihin, pati na ang buwis at mga bayarin pamasahe sa de-gulong, de-kuryente at paglipad sa hangin  tubig, kuryente, langis at bigas, hindi ang buhay na patas hindi ang sahod at benepisyo, isinapribado ang mga serbisyo lumaganap ang kapitalismo, lahat pinagkakakitaan ginawang negosyo naghari kalakarang neoliberal, ipinapatupad ng mga hangal tumataas ang presyon ng dugo, nagmamahal libingan sa sementeryo tatamis man ang

Poem: Marawi Siege year after

Imahe
One year after Horror of experiences flashed back Casualties are remembered Heroisms are honored Important to note The inter-faith survival stories in the ground As days passed by In the lives of survivors Neglect and discrimination Less representation Lack of spaces for participation How comprehensive is the rehabilitation? In the tent cities In the temporary shelters Under the roof of relatives Or judgemental communities It is much more difficult Than of what the PR people's reports Horrors of the past Horrors of the present Not just digging the unexploded arsenals But the lives and dignity's fundamentals #DuyogMarawi #IDPsKasali #BangonMarawi

Tula: MAY PAG-ASA BUKAS

Imahe
Kahit na iyan na ang sabi'y nakasanayan Sa iba'y ito na ang patakaran Isang lokohan at gaguhan Tinatarantado ang karapatan Na bawat isa'y kayang presyohan Dignidad ay dinudungisan Sa dami pang natirang tulad mo Sa mga tulad mong mahalaga ang pagkatao Hindi lang nangangarap kundi kumikilos At hinding-hindi magpapagapos May pag-asa pa ang kinabukasan Dahil may isang ikaw na di kayang bayaran Nakasanayan na ang gapangan May kalakaran pang takutan Humantong pa ang iba sa patayan Nabasag dating pagkakaibigan May pag-asa pa rin ang kinabukasan Dahil may isang ikaw na di kayang bayaran Hindi naman baka sakaling lakbay Ikaw lang naman ay naniniwalang tunay Na madami ang tulad at kagaya mo Na mahalaga ang turing sa bawat boto May pag-asa pa rin ang kinabukasan Dahil may mga tulad mong di kayang bayaran Ang tulang ito ay para sa iyo Para din sa kanilang tulad mo Hindi naman talaga sa halalan lang Maabot pagbabagong in