MindanaOne: Strengthen Solidarity
Maliban sa Marawi City at Lanao del Sur ay may mga engkwentrong militar na rin sa ilang munisipyo ng Maguindanao province habang ganoon din ang mga rehiyong CARAGA (Agusan-Surigao), islang probinsya ng ARMM at iba pang bahagi ng Bukidnon, North Cotabato, South Cotabato, Sarangani at Davao provinces maging sa Visayas at Luzon na rin. Sa mga kaganapang (insidenteng) ito, mga sibilyan ang labis na nahihir apan (mga bata, matatanda, may kapansanan, babae at iba pang bulnerableng mga sektor); nakakaapekto sa buhay at kabuhayan ng mga komunidad; at mas nagpapatindi pa sa mga awayan. Bilang mga sibilyang komunidad at kilusang pangkapayapaan ay mas ipakita natin at iparamdam na ang mga kaguluhang ito ay hindi ukol sa mga relihiyon at kultura. Huwag nating hayaan na tayo ang mag-away-away dahil sa politikal at pang-ekonomiyang interes ng mga mas malakas na mga pwersa. Huwag nating hayaang maging bulag na tagasunod. Tuklasin natin at aralin nang maigi ang mga ugat-dahilan ng mga kagulu...