Tula: Para sa Dakilang Laban
Hinusgahan
Pinagkakitaan
Pinagmalupitan
Pinagnasaan
Pinagsamantalahan
Hanggang ang iyong katawan
Hanggang ang iyong kagandahan
Nilagyan ng presyo
Ginawang pampainit ng produkto
Ginawang panlasa para sa tubo
Ngunit di ka nagpagupo
Di ka basta na lang sumuko
Sa iyong sinapupuna't kanlungan
Kasama ka nilang maraming dumaraan
Para sa dakilang laban
January 29, 2017
Bukidnon
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento