Tula: Si Lumad Nasaan?
Sinubukan kong namnamin, Di ko Lang seguro napansin Kahit makailan pang ulitin Sadyang ang agenda ng mga Lumad mahirap banggitin. Sa pag-ulat sa ikatlong pagkakataon Mas makinang ang brasuhan sa posisyon Mas makinang ang interes ng Korporasyon Tiyak dadanak ang dugo at di na kailangan ng kabaong. May mga hindi imbitadong bisita sa tahanan Doon sa lupaing yaman na minana Magpupumilit na papasok kahit umayaw na Paluluhurin kung ayaw makisama nang kusa Magdurugo at matagal nang nagdurugong puso Ang Lupaing tinamnan ng mga pangarap nagdurugo Ngunit hinding hindi pagugupo, hindi pagugupo Tulad ng mga nauna na, ang mga ninuno Sapilitan mang palikasin at tabunan ang hinaing Tulad ng mga damo sa malawak na lupain Sisibol at makikibakang matatag, pakikibakaĆ½ liliyab Isusulong ang karapatan sa lupa at mabuhay na sinisiil! Layout ng poster: Joel Pablo Salud July 23, 2018