Unang Lambangian Remfing Fenuwu Limud (TJG)
Nagbukas ng pinto at puso sa mga dayu Nakipag-ugnayan at itinuring na kadugo Ranawan, Kasila at iba pang lahi Iba man sa pananampalataya ngunit sa puso, hindi! Hindi sa puso, hindi, sa puso hindi Nagkasunod sa marka ng teritoryo Inihabilin, inihabilin hanggang sa sumunod na mga apo Kulay ng tribu, sa pagkatao simbolo Berde, luntian, kalikasan, buhay Pula ay dugo, init na bukal, may hininga, may dugo Bughaw, kalangitan, kasiglahan, kapayapaan Puti, kadalisayan ng kalooban Dilaw, kapangyarihan, bituing tanglaw Sa malayang lupain, kayamanang angkin Sa yamang ando’n, madaming nahumaling Kinutya at hinusgahan, kulang daw sa kaalaman Di lang nila alam, dahil wala silang alam Sistema, kultura, tradisyon Unang kaalaman, buhay na karanasan Ang unang sibilisasyon Sistema, kultura, tradisyon Di nila alam, dahil wala silang alam! May naglalako ng pagkain a t produkto Pagbabago, itong kaisipang modern Hindi nila alam, wala silang alam Kau