Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Disyembre, 2016

Tula: 12.18.14

Imahe
Kaya ay nangibang-bayan Upang makipagsapalaran Titiisin ang mawalay Sa mga mahal sa buhay Baon ang mga pangarap Makaahon man lang sa huirap Kinakapita'y tibay ng loob Magandang buhay sa mahal ipagkaloob Oh ang buhay OFW Kayod-kalabaw doon at dito Kung sana'y pwedeng mamili Naisin ang kapiling mga mahal lage Twing aalis mabigat sa loob Ayaw humakbang ang paa't tuhod Ayaw lumingo't naghatid ay tingnan Mas lalo lang nabibigatan Sa twing panahon ng uwian Tuwa ay walang mapaglagyan Panalangin lang at hiling Bunga ng pawis huwag aksayahin alay na awit sa mga OFW at lahat na mga manggagawang dayuhan kung saan sila namamasukan

Tula: Pandayin Ngayon

Imahe
Dahan dahang bumigat Hindi ang mga balikat Kundi ang paghakbang Habang bagtas ang lansangan Sari-saring emosyon Nilang mga kalahok Lakas ang determinasyon Marating ang direksyon Bago magbukang liwayway Pangkat ng manlalakbay Hanggang dapit.hapon Handa na sa mga hamon May mga kumutya May mg tumuligsa May mga naawa May mga nakiisa Naiparating sa madla Ang hangad na mapayapa Sa mga sumubaybay Tuloy ang paglalakbay Peoples Peace March Lakbay ng mga pangarap Silang mga nangangarap Mithing kapayapaan ang yakap Abante walang atras Nitong ating pinapanday na bukas Pasakit, pahirap ngitian Pandayin kalahok lahat na kapayapaan Iwagayway bandilang hawak Itaas kamaong kuyom ang pangarap Ihakbang pagod man na mga paa Ngitian lipunang nanghuhusga Sa mga manlalakbay tulad ko Humayong nakataas ang noo Katawan man ay pagod Sa pang.aapi huwag lumuhod. Barongis, Libungan, North Cotabato Dec 15, 2016 ...

Tula: LAKBAY KAPAYAPAAN

Imahe
12-18-2016 Midsayap, North Cotabato   KAPAYAPAAN Sa mundong ibabaw Gumagalaw Poot galit ba? Ang hugot-likha? Hindi! MagkaibaKulay, kultura Pakikibaka Magkaisa Tara! Hilaga, timog Kanluran, Silangan Kanan, kaliwa Taas at baba Buklod! Henerasyon Henerasyon Aabutin Ating Direksyon Lakbay! # 8thMPPS